Bakit Kailangang Magsimba?

Bilang buwan ng pag-ibig ngayon, atin ding talakayin ang isa pang klase ng pag-ibig… Pag-ibig na, kung ako’y tatanungin, pinakaimportante sa lahat.

Dati, hindi ako nagsisimba. Siyempre dalawang araw lang ako maaaring gumising ng hindi maaga dahil nag-aaral ako, isa-sacrifice ko pa ba ‘yong isa? Sa hapon naman, nakakatamad kaya at ‘yon ‘yong oras para gawin ko ‘yong mga assignments ko. Paminsan-minsan lang ako magsimba. Gusto ko lang magsimba kapag Simbang Gabi at kahit nagsisimba ako, hindi rin ako nakikinig. Nilu-look forward ko na kaagad ‘yong huling Sign of the Cross.

Pero no’ng elementary pala ako, nagsisimba ako every Wednesday. Nag-aral kasi ako sa Catholic school but just as the same, hindi naman ako nakikinig. Bata pa kami no’n e. Lalo na kung wala namang bantay, hindi naman namin sineseryoso ang misa o mga iba pang Catholic activities.

No’ng college ako, naging kasapi si Mama ng Catholic Women League dito sa lugar namin. Dahil doon, naging active siya sa simbahan. Isa hanggang tatlong beses siyang magsimba sa isang Linggo. Dati pa niyayaya niya rin kaming magsimba pero hindi niya kami napipilit. May mga pagkakataong papayag kami ‘pag tinanong niya kami ng Sabado pero hindi naman kami babangon kinabukasan.

Bakit ba kasi kailangang magsimba? Nagdadasal naman ako bago matulog. Kinakausap ko naman si God kapag kailangan ko? Sayang lang ‘yong pamasahe. Ang ingay pa minsan ng mga bata sa simbahan. ‘Yong ibang teenager, nagdadaldalan lang. Tapos hindi mo naman maintindihan ‘yong pare kasi maingay. Ang tagal-tagal pa ng homily!

‘Yan ‘yong mga rason ko dati kung bakit ayokong magsimba. So petty. Sadly, hindi ko nakita ang essence ng Holy Mass sa buhay ng isang Kalolikong kagaya ko. Sadly, natuto lang akong magsimba Linggo-linggo no’ng kinailangan ko Siya nang husto, no’ng nagkasakit ako.

Isa┬ánga rin ‘yon sa mga pampalubag-loob ko. Baka kaya ako nagkasakit ay para mas mapalapit ang loob ko kay God. Kadalasan naman kasi gano’n, hindi ba? Kapag nakakaranas ka ng suliranin, doon ka napapalapit kay God.

Kung wala ka nang maintindihan. Kung wala ka nang makapitan. Kapit ka sa akin… Kapit ka sa akin. Hindi kita bibitawan. (Wag Ka Nang Umiyak by Sugarfree)

‘Yan siguro ‘yong binubulong palagi ni God sa atin ay ‘yan din siguro ‘yong reason kung bakit lahat na ng baging nawawala para wala ka nang makapitan, para kumapit ka na sa Kaniya. At kapag kumapit ka sa Kaniya, sigurado akong hindi ka Niya bibitawan. Ang dasal ko lang, huwag ka rin sanang bibitaw.

So, bakit nga ba kailangang magsimba?
Para makilala mo si God. Para malaman mo kung gaano ka Niya kamahal. Para malaman mong kahit anong mangyari, may makakapitan ka. Para tumibay ka spiritually. Kailangan mo ‘yong spiritual strength na ‘yon para malagpasan lahat ng matinik, bato-bato, lubak-lubak, at putik-putik na parte ng buhay. Panghuli, para rin malaman mong hindi ka nag-iisa.

God bless!

Pag-mamahal sa Panginoon ay simula ng karunungan. Ang Kaniyang kapuriha’y manatili magpakailanman. (Pagmamahal sa Panginoon by Himig Heswita)