Spent Valentine’s Day with Crazy Beautiful You

Waaaaaahh! Hahaha! Ang ganda ng Crazy Beautiful You, a Star Cinema movie starring Kathryn Bernardo and Daniel Padilla.

Lowbat kasi ‘yong phone ko at wala na akong magawa kaya pumunta ako sa kwarto ng kapatid ko para makinood sa TV niya. Sira na kasi ‘yong nasa kwarto ko. Una, nilipat ko ‘yong channel sa Starworld from GMA kaso Masterchef ‘yong palabas at napanood ko na siya. Nilipat ko sa mga iba pang channels gaya ng TLC, Disney Channel, Cartoon Network, PBO, at Cinema One. ‘Yon lang naman kasi ‘yong mga channels na pinapanood ko.

Sa Cinema One, may movie na kaka-start lang. Sakto! Una kong nakitang artista is si Iñigo Pascual. Then, si Kathryn na cool na cool na nakasakay ng kotse. Ah, Kathniel ‘to!

Habang patagal nang patagal nagiging familiar ako sa movie kasi ilang beses ko na siyang napapanood kaso sandali lang kasi after one scene, hindi ko na tinutuloy dahil hindi ko naman naumpisahan. Finally, kahapon, naumpisahan ko kaya kahit pa inaantok ako, ginusto at pinilit ko siyang tapusin. At natapos ko siya. Tatlong beses lang naman YATA akong umiyak. Walanjong pelikula!

Isa sa mga paborito kong eksena is no’ng umiiyak si Jackie (Kathryn) habang nagte-take ng pictures kasi nakita niya ‘yong mama niya na grabeng umasikaso sa mga ibang bata. Actually, tatlong beses ko ng napapanood ‘yong scene na ‘yon dahil laging ‘yon ‘yong naaabutan ko dati at every time, lagi akong naiiyak. Kahapon, ‘yon ‘yong scene na unang nagpaiyak sa akin.

Pangalawang scene na nagpaiyak sa akin is ‘yong pinagalitan ni Kiko (Daniel) si Jackie dahil sa ka-selfish-an nito. Sobrang relate kasi ako do’n, feeling ko ako ‘yong pinapagalitan niya. Sagad sa bones kasi e. Gaya ni Jackie, may pagka-selfish din ako. Iniisip ko rin, “kawawa naman ako”.

Third scene is no’ng patapos na. No’ng napuno na ‘yong character ni Daniel. No’ng sinabi niya ito:

Hanggang kailan ba ako magiging anak? Hanggang kailan ba ako magiging kapatid?

Naka-relate na naman kasi ako do’n at pati kay Kiko. May mga time kasing pinipilit kong i-absorb lahat ng sakit, tiisin lahat para sa mga taong mahal ko. Pero siyempre nakakapuno rin ‘yon.

Hindi ka naman masasaktan kung hindi mo mahal.

Ang dami talagang hugot ng movie na ‘to. Ang gusto ko ‘yong mga hugot, tungkol sa personal development at love for the family. Gusto ko na may mga flaws ‘yong characters na dalawang bida at dahil sa isa’t isa, na-mend ‘yong flaws na ‘yon at mas naging masaya at mabuti sina Jackie at Kiko sa huli.

Gusto ko rin na na-feature ang Mount Pinatubo at ang mga katutubo. Non verbatim dialogue habang pinagmamasdan nina Jackie at Kiko ang crater ng Mt. Pinatubo:

Sabi nila galit na galit daw ‘yan no’n. Pero tingnan mo, no’ng nalabas na niya ‘yong galit niya, ang ganda na. A beautiful disaster.

Jampacked talaga sa morals ang Crazy Beautiful You kaya sulit talaga na siya ‘yong ka-date ko no’ng Valentine’s Day (kahit pa pinaiyak niya ako ng bonggang-bongga). I gained a “new perspective”. Hihi.

OK lang ang “OK lang.”

Oo naman, kung minsan, kailangan mo talagang ilabas ‘yong nararamdaman mo. Kapag tinanong ka ng “Kumusta?” Pwedeng-pwede mong i-share ang mga problema mo, ang mga worries mo, at ang nararamdaman mong stress. Pero minsan, ayos na rin ang sagot na “OK lang.” kahit ang totoo, hindi.

Bakit? Kasi hindi naman din magtatagal at magiging OK ka lang talaga. Hindi naman tatagal ‘yang mga problema mo, unless tatambayan mo. ‘Yang mga worries mo, wala namang merit ang mga ‘yan sa future mo unless io-overanalyze mo. At ‘yang stress mo, tawanan mo lang ‘yan at mag-relax ka lang, huhupa rin ‘yan.

Kung minsan, ang sagot na “OK lang” means may pinagdadaanan ako pero alam ko naman sa sarili ko na strong ako kaya kung hindi man ako totoong OK ngayon, ayos lang dahil sooner or later, magiging totoong OK rin ako. 

Huwag nang gawing kumplikado ang buhay o ang mga problema. Ikaw lang din ‘yong mahihirapan. Take it from me. Ang bago kong mantra ngayon: “Simplehan lang natin, bes.” 🙂

Happy Valentine’s Day nga pala. Kumusta ang araw mo? Ako, OK lang. OK lang talaga, may family date kami mamaya. Hehe. ❤

First Love (Poems)

I:

First Date

It was a sunny Saturday.
The wind was blowing.
My hair too.
My heart beats were crazy.

My hair was down but curled.
My sister urged me to put a little bit of tint.
In my cheeks, in my lips.
When I saw you, the tint darkened.
Or did it brighten?

My hands were shaky and a bit sweaty.
So I hesitated.
It wasn’t because I don’t want to touch you.
In contrary, I do, so much.

My friend has this lovely scent.
I asked her to give me some.
It wasn’t as good compared to yours.
I wondered why I even made an effort.

The food, it tasted good.
I think?
Okay, I wasn’t really paying attention.
Your eyes are so beautiful.

I didn’t want that sunny Saturday to end.
I wanted to stay close to you.
Closer, maybe.
But then the sunny Saturday decided to call in a night.

II:

First Kiss

The movie was cool.
I did pay attention.
My sister told me to.
So we could talk about it later.

You laughed at how crazy the sidekick is.
And I laughed too.
You looked at me.
My heart skipped a bit.
It almost stopped when you smile.

The popcorn was good.
But the touch of your hand is always better.
I might have intended to pick one when you’re getting some.
I might have.

I felt your touch again.
In my elbow this time.
As we’re leaving the cinema.
And I thought.
That’s the sweetest thing ever.
Yes, sweeter than the juice we’d ordered.

We walked for a while.
Chatted about the movie, thank you very much, sis.
Debated a little.
Agreed in the end.

Finally, we stopped.
Finally, you looked at me in the eyes.
Finally, you held my hand.
This is it, I thought.

Inches and inches.
Closer and closer.
I closed my eyes.
The fireworks were real.
Nobody told me about the song though.
Boy, I am crazy for you.

III:

First Touch

It was the night of your birthday.
It was a starry Wednesday.
It was the best day of my life.
It was like a dream.
Fantastic.

There was a party.
Your friends came over.
I intended to sleep over.
In your sister’s room supposedly.
Your parents stayed at the hotel.
Your sister ended up at a friend’s house.

We were alone.
We were crazy in love.
We want each other.
I was so sure, babe.
I wanted you.

You kissed me.
Deeper this time.
Longer this time.
I knew right then.
You wanted me too.

You touched me.
So carefully.
It’s maddening.
You were so gentle.
I was so in love.

I felt the softness of your bed.
Your scent crowded me.
I felt your touch inside of me.
Yes, babe, inside of me.

And then slowly, you moved.
You kissed me.
I did too.
It was crazy.
Too good.

And in a snap, it happened.
Or maybe not that quick.
I felt it, tears fell.
You comforted me.
You made me okay.

The dream began.
Soulful.
We danced.
With all the love that we have.

You kissed my lips at last.
I hugged you back.
We closed our eyes.
Our lips smiling.


Hugot!

Bakit gano’n? Bakit ang gulo ng pag-ibig? Parang maze, maraming pasikut-sikot. Paiikot-ikutin ka hanggang sa mahilo ka. Kung minsan nga, ililigaw ka pa. Ililigaw ka nang ililigaw para sa huli, kapag nahanap mo na ang tunay mong destinasyon, worth it lahat. Huwag kang mapagod kakabalik sa pinanggalingan mo. Darating din ‘yong araw na finally, makakalabas ka sa maze at magiging isa na lang at tuwid na ang daan.

Bakit gano’n? Bakit kung minsan sobrang sakit magmahal? Parang sirang cell phone. Pagtya-tyagaan mo. Pipilitin mong paganahin. Kahit na nakakainis at nakaka-frustrate gamitin, ginagamit mo pa rin. Kahit papaano sumasaya ka naman kasi. Ang kaso, may mga bagay talaga na hindi pwedeng permanente. Kahit ano pang effort mo para isalba ang phone mo, darating ‘yong araw na bibigay din ‘yan. Mawawala rin sa ‘yo. Maaaring na-save mo ‘yong mga files pero hindi mo na sila maibabalik sa orihinal nilang lagayan o storage. Maaari mo namang palitan ang phone mo, mahirap nga lang kapag sobra kang na-attached doon sa nasira.

Bakit gano’n? Bakit sa dinami-rami ng tao sa mundo, hindi mo pa rin mahanap ‘yong taong para sa ‘yo? Parang pag-o-order lang ‘yan ng 1 pc. Chickenjoy (sa bwisit na Jollibee na ang sakit sa damdamin ng mga Vday Special). P’wede ka namang um-order ng 2 pcs. kaso kulang sa budget or hindi mo pa kayang ubusin ‘yong dalawa. Masarap pa rin naman kahit nag-iisa ‘yong manok pero siyempre iba pa rin ‘yong may kasama.

Naglakad ako kanina at no’ng pauwi, nakasalubong ko ‘yong Tita ko kasama niya ang anak niya at asawa. Nagja-jogging sila. Sabi sa akin no’ng Tito ko ba’t wala daw akong kasama. Alam mo ‘yon, Bes!

1

Hugot pa more!

Bakit gano’n nga ba? Bakit gano’n ang pag-ibig, akala mo nahanap mo na ‘yong taong para sa ‘yo tapos biglang iiwanan ka lang pala? Parang lobo lang ‘yan e. Masaya ka kapag nabili mo. Nae-enjoy mong pinaglalaruan. Maganda sa mata. Kaso puputok din, kaso mabibitawan mo rin at lilipad, o kaya naman kusang mauubos ‘yong hangin. Wala na. Hindi na lobo. Hindi na gaya ng dati. Wala na…

Bakit kasi gano’n? May mga tao talagang paasa. Parang scam text lang ‘yan e. Sasabihan ka na nanalo ka. Iko-congratulate ka. Papasayahin ka. Pero oras na maniwala ka, lagot ka. Hihingan ka lang ng load niyan. Uubusin lang ang pera mo niyan. Bakit ba kasi naniwala ka? Hindi ba’t tanga lang ang napapaniwala sa ganiyan? Tanga at mga desperada, mga desperadang yumaman. Akala mo panalo ka pero ang totoo, talo ka. Ikaw ang talo at mare-realize mo ‘yan sa huli.

Bakit ba ganiyan magmahal? Kung minsan doon ka pa sa manhid nagmamahal. Bakit gano’n? Para kang blogger na walang reader. Lahat naman ginagawa mo. Nagri-research ka, inilalabas mo lahat ng emosyon, opinyon, at kaalaman mo para mapakinabangan din ng ibang tao pero wala. Nilangaw lang ang blog mo. Nasayang lang ang pagod mo.

Pero alam mo? Masarap naman talagang magmahal e kahit pa sabihing one-sided ‘yan. Iba rin ‘yong may inspirasyon ka. Iba rin ‘yong nakangiti ka bago ka matulog sa gabi. Kung umiiyak ka naman dahil sa pag-ibig na nasira, ayos lang ‘yan dahil isa sa mga kinabukasan noon, makakakita ka rin ng iba at mas deserving sa pagmamahal mo.

Kung wala ka namang minamahal o taong gusto sa kasalukuyan, wala naman ding problema. Siguro talagang ubos lang ang oras mo sa mga ibang bagay o sadyang hindi ka pa handa. Kakagatin ka rin ng pag-ibig, huwag kang mag-alala.

Sa totoo lang, sa tingin ko, ang love ang icing sa cake ng buhay. Dito mo malalasap ‘yong sobrang katamisan ng buhay. Dito rin magiging makulay ang buhay mo. Marami ka ring mapupulot na leksyon sa pag-ibig. Buksan mo lang ang puso mo. February man o hindi, feel the love and spread the love.

Advance Happy Valentine’s Day!

I can’t wait for this month to end. Chos!