Oh, umiiyak ka na naman.

‘Yong totoo, nagiging hobby mo na ang pag-iyak, ah. Kailangan ba araw-araw? Mamaya niyan manuyo na yang mata mo. Mamaya niyan maubusan ka na ng luha. Tama na… Tahan na. Ha?

Oo, alam ko naman e. Matigas ang ulo mo. Kapag sinabihan kang tahan na, lalo kang iiyak kahit pa alam nating lahat na hindi naman niyan masosolusyunan ang lahat, lahat ng pinagdadaanan mo.

Lahat naman ng tao may pinagdadaanan, may pasan-pasan na bagahe, iba-iba nga lang ang bigat. Iba-iba rin naman tayo ng lakas. Gaya lang ‘yan ng pagwo-workout e. Kailangan mong magbuhat ng weights para lumakas ka. Kailangan nating dumaan sa mga pagsubok para tumibay tayo. Parte ‘yan ng buhay. Kasama ‘yan sa paghubog natin sa ating pagkatao.

Alam ko naman hindi talaga mabait ang buhay sa ‘yo. Alam ko naman na kaiyak-iyak naman talaga ‘yong mga nangyayari sa buhay mo. Ang akin lang, magpakatatag ka. Huwag mong idaan lagi sa iyak. Walang masama sa pag-iyak pero subukan mo ring mag-isip at gumawa ng solusyon.

Kaya punasan mo na ‘yang mga luha mo. Huwag ka nang maghintay pa na may taong dumating para magpunas niyan at magpatahan sa ‘yo. Alagaan mo ang sarili mo, pero huwag kang liliko kapag may nakita kang harang sa daan mo. Kapag umulan ba, hindi ka na lalabas kahit kailangan? Para saan pa ang payong, hindi ba? Be strong for yourself.

Shrek (Tagalog)

Isang araw na wala namang araw or nagtatago lang ‘to sa mga clouds, may magkapatid na bored na bored. Magluluto ang isa ng adobong manok nang mapagdiskitahan niya ang dalawang inosenteng kamatis at j-in-uggle ito. Feeling yata niya nasa circus siya. Sabi pa sa ate niya, “Kaya mo ‘to?”

Iniwan no’ng ate niya ‘yong hinuhugasan niyang jar at kinuha ‘yong dalawang kamatis. Unfortunately, hindi niya nasalo ‘yong isa. She tried again though. Nagawa naman niya twice but then her confidence level kind of soared. Akala niya masasalo niya ang kamatis kapag hinagis niya nang mataas, to the point where it almost kissed the ceiling. Well, iyon ang akala niya. Ang ending lamog ang kamatis.

‘Yong pasimuno nasayangan. Ang kapatid pinagalitan ang ate, at ang unang mga salitang lumabas sa kaniyang bibig ay ang mga unang salitang inyong mababasa in the poem below. Take note this is a collaboration poem by the sisters (and ako ‘yong ate).

Shrek

Ang bola ay hindi nalalamog

At ang kamatis ay hindi tumatalbog

Kapag ang bahay nati’y lumubog

Sa baha tayo magmumumog

Hoy Pate, huwag ka nang magdabog

Kung ayaw mong ika’y mabugbog

At ang ulo mo’y maalog.

Mabuti na lang ika’y hindi nausog

Ang puso mo’y pigilang sumabog

Hayaang ito’y kumabog

Kapag ito’y may magandang hubog

Maaari mo itong ituhog

Ayusin mo ang iyong pagtulog

Nang ika’y hindi mahulog

Sa gabing ang langit ay kumukulog

At ang buwan ay magiging bilog

*Shrek ‘yong title kasi OGre si Shrek. Sarreh na!

Sino ka?

Sa tingin ko, ang pinakaimportanteng dapat magawa ng isang young adult ay ang kilalaning mabuti ang sarili niya. Alamin kung ano ba talagang gusto niya, kung ano ang makakapagpasaya sa kaniya, kung sino talaga siya.

Dapat nating malaman kung sino ba talaga tayo…

Sino ba talaga ako?

At kapag nalaman na natin kung sino talaga tayo, pakiramdam ko hindi na tayo maaapektuhan ng kahit anong pangungutya pero ang mas importante doon, magiging confident na tayo.

Confidence. Hindi lang mawawala ‘yong hiya natin kung hindi magiging confident din tayo na umalis sa comfort zone natin para magsimulang maglakbay sa path na gusto natin. Confidence… Confidence to make big decisions… Confidence to mold our life as how we want to… Confidence and strength to stand up with our own feet.

Kapag kilala natin ang sarili natin, hindi tayo malilito. Hindi tayo maghahanap ng kasagutan kung saan-saan sa tanong ng buhay na: ano ba ang gusto mong marating? Kapag kilala natin ang sarili natin, alam na rin natin kung paano ifu-fulfill at pasasayahin ang mga sarili natin.

Alam ko mahirap din talaga. Pero siguro, dapat nating mag-effort. Gaya kung paano tayo nag-e-effort kapag may taong gusto tayong makilala, pagtuunan din nating ng oras at effort ang pagkilala sa ating mga sarili.

Sino ba ako? Ano bang gusto ko? Anong ayaw ko? Bakit ako galit? Bakit ako malungkot? Bakit ako masaya? Paano pa ako mas sasaya? Paano ko masasabing kontento na ako?

At sa bawat tanong na nasasagutan, matuto tayong tanggapin ang mga katotohanan. Huwag mong i-expect na perpekto ka. Mayroon at mayroon siguradong hindi ka magandang katangian na maaari mo namang baguhin. Mayroon at mayroon ka siguradong matutuklasang kahinaan mo na maaari mong i-improve.

Kilalanin mo ang sarili mo. Tanggapin mo ang sarili mo. Mahalin mo ang sarili mo. Then, I believe dahan-dahan, unti-unti, magiging maayos na din ang lahat. Ika nga, “…start with yourself.”

May magagawa ka pa ba?

Isa ito sa mga life lessons na simple lang ang concept pero honestly, mahirap i-apply pero kaya naman. Kaya naman kaya dapat subukan. Dapat pag-aralan. Dapat pag-practice-san hanggang makasanayan. Kapag nasanay na tayo, naniniwala ako magiging malaking tulong ito para sa atin.

Ano ang tinutukoy ko?

Ito. Sa t’wing nai-stress tayo, itanong natin sa mga sarili natin ang sanhi ng pagka-stress natin. Pagkatapos, isunod naman natin ang tanong na “May magagawa pa ba ako?”

Kung ang sagot ay meron naman, edi gawin natin. Kung ang sagot naman ay wala na, edi i-let go na natin. May mga bagay kasi talagang hindi natin maaaring pakialaman o kontrolin. Gano’n lang talaga.

Huwag nating hayaang ma-stress tayo sa mga bagay na wala na naman tayong magagawa. Huwag din nating hayaang ma-stress pa tayo sa mga problemang kayang-kaya naman pala nating solusyunan.

Ang stress kasi nakakapagod. Sa stress, p’wede kang magkasakit. Buti na lang ang stress p’wedeng agapan sa pamamagitan ng tamang mindset. So ano, may magagawa ka pa ba?

Take the Lead (Tagalog)

Kanina sa jeep, sabi no’ng mga katabi ko na kasasakay lang ang hirap daw sumakay kasi ‘yong mga tao imbes na umusog papunta sa driver para kaagad makaupo ‘yong mga sumasakay, umuusog papunta sa pasukan o pintuan. Hindi mo naman kasi talaga masisisi ang mga tao, lahat tayo gusto mapadali ang ginagawa natin. Gusto ng mga pasahero na madali silang makababa kapag nakarating na sila sa mga destinasyon nila.

Pero siyempre may punto naman talaga ‘yong mga katabi ko. Mas maganda naman talaga kung magparaya ‘yong mga tao para mapadali ang gawain ng kapwa nila. Ang problema lang ng mga taong kagaya ng mga katabi ko, pagpuna lamang at reklamo ang ginagawa nila. Anong pakialam ng mga pasahero sa opinyon nila? Wey.

Ang magandang gawin is to take lead. Huwag ka lang magdada-dada dahil sigurado akong minsan o makalawa sa buhay mo e ginawa mo rin ‘yong bagay na nirereklamo mo. Sadyang ikaw ang nabiktima ng norm o mga gawaing nakasanayan kaya kung makapagreklamo ka ngayon wagas-wagasan, teh.

Ang problema kasi sa atin porket iyon ang nakasanayan kahit pa alam nating mali or mas may maganda at maayos pang paraan para gawin ang isang bagay, doon pa rin tayo sa nakasanayan.

Back in 2014, sa isang interview ko kasama ang isang Senior Industrial Engineer, tinanong ako kung may tanong daw ba ako. Ang sabi ko paano ba natin makukumbinsi ang mga emplayadong nagre-resist sa change na palitan ang nakasanayang paraan nila ng pagtatrabaho at gamitin ang mga bagong prosesong d-in-esign ng mga IEs. Ang sagot niya sa akin, ipapakita daw niya mismo ang mga bagong proseso. Kumbaga, siya mismo ang gagawa o magde-demonstrate.

Mahirap daw kasi kung ie-explain mo lang. Kung sasabihin mo lang na mapapabilis sila kung ganito-ganiyan ang gagawin nila, panigurado hindi sila basta-basta maniniwala. Pero kung ipapakita mo na ito ganito, oh di ba mas mabilis, malaki ang tsansa na paniniwalaan ka nila at susundin ka nila.

Huwag tayong mag-expect masyado sa ibang tao. Sa tingin ko, first nature na natin ang intindihin muna ang sarili natin kaysa sa iba. Ang maganda nating gawin, maging halimbawa tayo. Kapag may nakita tayong butas sa mga bagay na ginagawa natin, huwag tayong mag-alangan na ayusin ito. Hindi natin kailangan magreklamo tungkol sa butas na iyon. Mas magiging epektibo kung sisimulan na natin siyang ayusin, malay mo makita ka ng iba at sundan ka. Eh di naayos ng bonggang-bongga ‘yong butas, ‘yong sira, ‘yong problema.

Kumbaga, Bes, may nangyari. Kung salita lang ang kaya mo, wala rin kasing mangyayari. Kaya naman, idaan na natin kaagad sa gawa. Totoo ‘yong kasabihang, kung gusto mong baguhin ang mundo, simulan mo ang pagbabago sa sarili mo.

Isang pinagpalang Linggo sa ating lahat!

“A LOVE PROJECT” Chapter 9 (Finale) | A Feb-ibig Series

CARLO

Patakbo akong pumunta sa garden. I stopped. My heart beats raised dahil sa pagtakbo, at dahil sa kaniya. Is she really here?

Tinitingnan niya ‘yong mga roses ni Mommy. There is a subtle smile in the corners of her lips.

“Hi!”

Lumingon siya. She smiled. “Sorry, I came in too late.”

Lumapit ako sa kaniya. “No, it’s okay. Nakabalik ka na pala.”

“Kanina lang.” She sighed. Pagod siguro. “While in Singapore, I met someone.”

“Okay, that hurts.” All my hopes died down. Siguro, we’re just destined to be friends.

She rolled her eyes at me.

I smirked.

“You know it wouldn’t hurt to listen to the whole story.”

“Okay, okay.”

Her gaze fell upon the roses again. “I met someone who met someone. She had to work with a guy, you can say out of whim. Alam niyang kailangan niya si guy to be what she always wanted to be and to show other people what she’s capable of. But just seeing the guy online, alam na niya na she may be in trouble. She believes that ‘prevention is better than cure’.

“Kasi, hindi naman talaga masungit ‘yong kaibigan ko. She’s nice to everyone kaya nga no’ng pinakilala siya no’ng guy sa mga friends nito, the friends were confused kung bakit ‘Sungit’ ang tawag ni guy kay girl. Sinusungitin ni girl si guy as a defense mechanism. Ayaw kasi ni ate girl na mahulog, alam naman kasi niyang hindi siya masasalo ni guy.”

She looked at me and I know, nakita niya ‘yong confusion sa mukha mo. “It’s hard to compete with a 3-year worth of memories, of love. And it’s so scary.” Binalik niya ‘yong tingin niya sa mga roses. “And then there’s the project, the project my friend’s was working hard to finish. Alam niya kasi ‘yon ‘yong key niya sa mga pangarap niya. Pero…” Tumingin siya ulit sa akin. This time, she turned her body towards me.

Humarap na siya sa akin. “Pero ano ba namang laban ng friend ko sa love? It hit her e, I’d say pretty badly. Kahit ano pang prevention ang ginawa niya, she fell, hard I’d say.” Umiling-iling siya habang nakangiti. “How stupid of her.”

Ngumiti ako. “It’s you, right? And not just a friend.”

Kumunot ‘yong noo niya. “Alam mo parang narinig ko na ‘yan or nabasa somewhere.”

Our first conversation. Nagpanggap ako no’n na kaibigan ako ng sender no’ng post sa XUSC. “Pa’no mo nga ba nalaman na ako ‘yong sender no’n?”

“Gut feeling.”

“Oh.” Tumangu-tango ako. Then, silence.

“Uhm, sige, I gotta go. Gabi na masyado.”

Tumalikod siya. I held her hand to stop her. “Pagkatapos mong mag-confess ng feelings mo, do you think hahayaan kitang umalis nang gano’n-gano’n lang, Sungit?”

Nakasimangot siyang humarap. “E wala ka kayang reaction diyan. Wala kang reply sa mga sinabi ko. Naiisip ko tuloy na na-realize mo nang hindi mo naman pala ako gusto.”

Hindi ko mapigilang mapangiti. “I just want to teach you a lesson para sa pag-iwas mo sa akin, sa pag-alis mo nang biglaan, at sa pagpapa-miss mo ng sobra. Alam mo bang plano kong sundan ka sa Singapore? Pumunta ako sa bahay n’yo one time and sabi ng ate mo na nasa Singapore ka na at ako naman itong si tanga, hindi man lang nagtanong. Nag-assume akong hindi ka na babalik. Mabuti na lang binabasa ko ‘yong blog mo.”

She smiled and laughed a little.

“Nakakatawa ba ‘yon? Ha, Mandy? Sobrang natakot ako sa thought na hindi na kita ulit makikita.”

Bigla na lang niya akong niyakap. “Silly,” she whispered.

I hugged her back. Hinigpitan ko pa. I don’t want to ever let her go.

“Don’t be scared,” sabi ko sa kaniya no’ng binitawan na namin ang isa’t isa. “Hindi naman sa tagal ng pagsasama nasusukat ‘yong pagmamahal e. Mandy, you taught me how to love again, how not to be scared to love and to give your all.”

Pinunasan ko ‘yong luhang tumulo sa pisngi niya.

Hindi ko na rin napigilang umiyak. “Grabe, ngayon pa lang nagsi-sink in ‘yong mga sinabi mo kanina. Ngayon pa lang nagsi-sink in na nandito ka na ulit.” I hugged her again.

“I won’t leave you again,” she said. Umiiyak din siya. “I’m sorry.”

“I love you,” I finally got to tell her.

“May ibabalik nga pala ako sa ‘yo.” Bumitaw siya. May kinuha siyang velvet box sa bulsa niya. “Carlo, ayokong maging best friend mo lang.”

Napakagat ako ng labi, nagpipigil ng kilig. Kinuha ko ‘yong singsing. Kinuha ko rin ‘yong kamay niya para isuot ‘yong singsing.

Binawi niya ‘yong kamay niya. “Ayoko ngang maging best friend mo lang e.”

Kinuha ko ulit ‘yong kamay niya at hinawakan ito ng mahigpit para hindi na siya makapalag. Habang sinusuot ‘yong singsing, I looked at her in her eyes. “Sabi sa description nitong singsing, you should give it to someone you cannot live without as a sign of your eternal love. It’s not a ‘best friend’ ring, my love.”

Sinamaan niya ako ng tingin. “You tricked me!”

“I’d do anything for love.”

Finally, ngumiti na siya. Tiningnan niya ‘yong singsing. “Thank you.”

I kissed her in her forehead and hugged her again. Bumitaw rin ako kasi may naalala ako. “Pa’no pala ‘yong book?”

“I’ll have a book but not your story. Ire-revise ko ‘yong manuscript ko dati. Sabi ni ate, may grasp na ako sa ‘realism’ kasi alam ko na ‘yong pakiramdam ng nagmamahal.” She smiled.

“Really?” I asked.

“Yes?”

“Paano?”

“Ganito.” She stepped closer. Nilapit niya ‘yong mukha niya sa akin. She closed her eyes. Bago pa siya tuluyang makalapit, she paused. While still closing her eyes, she whispered, “I love you.”

Inunahan ko na siya. I kissed her, in her soft lips. She smiled. I did too.

**FIN**

Gamitin ang tag na “A Love Project” para maling basahin ang kwento dito sa blog (i-type mo siya sa Search box, bes). This story is purely fictional. Anumang pagkakatulad sa tunay na buhay ay coincidental lang. Maraming salamat sa pagbabasa!

“A LOVE PROJECT” Chapter 8 | A Feb-ibig Series

MANDY

Sobra akong napagod pero masaya ako ’cause finally, nakauwi na ako. I enjoyed my stay in Singapore with my kuya. I got time to think and unwind.

I was about to sleep no’ng may kumatok sa pintuan ng kwarto ko. Then came ate. She was carrying a cardboard box.

“Hey.”

“Ano ‘yan?” I asked.

“Carlo came the other day and gave this. Ito daw ‘yong mga binigay niya sa ex niya na ibinalik ng ex niya recently sa kaniya. These may help with your book, he said.”

Kinuha ko ‘yong box. “Thanks.”

Lumabas na si ate ng kwarto. I wanted to ignore the box that night. Gusto ko na sanang ipagpabukas ‘yong pagtingin ng laman ng box but then again, alam ko naman sa sarili kong hindi ako makakatulog hangga’t hindi ko siya binubuksan. So, I opened it.

I was greeted by letter, cards, three plastic roses, two teddy bears, a Baymax stuffed toy, a necklace with a letter C pendant and a heart, a heart pillow, and a velvet box. The last item took my attention the most. Kinuha ko siya.

“So where’s the ring?”

“What ring?”

“‘Yong engagement ring n’yo sana.”

“Binigay ko kay Mommy.”

Could this be it? I’m confused. Pagbukas ko sa box, may nahulog na papel. I looked at the ring, it’s definitely not the ring na ibibigay niya dapat kay Anne. I know that ring. Sinend sa akin ni Carlo ‘yong link kung sa’n niya ‘yon inorder online so I can describe it in the book.

I picked the paper. It said, “To Mandy”. Binuksan ko.

I’ll wait until you’re ready to accept me as a friend again. That ring is a “best friend” ring. Please be my best friend? -Carlo

Nabasa ‘yong papel. I cannot control my tears. Why did he have to do this, all of these?!

“Umiiyak ka na naman.”

Kaagad kong pinunasan ‘yong pisngi ko. I stood up from the floor.

Pumasok ulit sa kwarto si Ate Silvie. “I know, Mandy. I know that you love him too,” she said.

“I don’t,” mabilis kong sagot. “You know why I’m crying? I hate this complicated setup.”

“I don’t believe you. Kilala kita, Mands. You maybe confused right now. Siguro natatakot ka kung paano na ang mangyayari sa book mo, sa pangarap mo kapag in-entertain mo ang feelings mo para kay Carlo.”

There’s no point in denying now. “It’s not just that, ate.” Ito na, I was about to voice out my fears na. “I’m scared. What if he’s just making himself believe that he loves me para makalimot siya sa past niya? What if he’ll just use me as a rebound? What if hindi niya ako magawang mahalin ng buung-buo because of all the damages his ex caused him? What if masaktan lang ako? What if magkasakitan lang kami? Is it worth it, ate? Will it be worth it?”

“Hindi ba ang love parang pag-inom ng beer? You take risk. You have to try to drink it para malaman kung talaga bang mapait and then you drink some more para masiguro mong mawawala ang pait or ma-realize na hindi pala. I read the first draft of your story, Mands.”

“That’s the thing with people. We give advices because we don’t use them. Hindi ko alam, ate, kung kaya kong mag-take ng risk,” I told her honestly.

“Okay then.” Inangat niya ‘yong kanang kamay niya na parang may hinahawakan siya. “Here’s your bottled water, clean. It symbolizes your dream to be an author.” Inangat niya naman ‘yong left hand niya. “And here’s a can of beer. Sinisimbolo naman nito ang feelings mo para kay Carlo. Take them both.”

I sighed in frustration. “I can’t.”

“‘Yong story ni Carlo na sinulat mo, it has potentials. ‘Yong hinahanap kong realism, nandoon. By realism, I mean real feelings, Mandy. Naramdaman ko na rin finally ‘yong nararamdaman ng mga characters mo. I would love to publish it pero alam kong magiging awkward ‘yon kung magiging kayo ni Carlo. So, I’m publishing one of your old manuscripts instead. And that’s why I’m giving you this bottled water.”

“Ate…” Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Finally, she’ll help me reach my dream.

“Now, I’m not asking you to pick one, Mandy. Parehas ko nang ibinibigay sa ‘yo. Still, the decision is yours. Tatanggapin mo ba silang dalawa?”

Naiyak na naman ako. Tears of joy, na-touched ako sa ginawa ni ate. Tumango ako and kinuha ko ‘yong kunwaring hawak niyang imaginary tubig at ininom ‘yon. I did the same with the imaginary beer. Then, I hugged Ate Silvie. “Thank you, ate. You’re the best.”

“So, ano pang hinihintay mo?” she asked pagkatapos naming magyakap.

I nodded. “Pupuntahan ko na siya. I’m taking a risk. He’s, after all, worth it.”

She smiled. “Good. Go na!”

Tumakbo na ko. Parang nawala ‘yong pagod ko. I was so excited to see him.

“Mandy!” Tinawag ako ni ate bago ako makalabas ng bahay. She put the “best friend” ring in my hand. “I think kailangan mong ibalik sa kaniya ‘yan.”

I smiled, nodded, and ran onto one of my realest dreams.

****

Gamitin ang tag na “A Love Project” para masundan ang kwento dito sa blog (i-type mo siya sa Search box, bes). This story is purely fictional. Anumang pagkakatulad sa tunay na buhay ay coincidental lamang. Abangan ang huling kabanata…