Judgmental lang sila, Bes.

At kahit ano pa ang gusto mo. Basta wala ka lang inaapakan na tao. Ituloy mo lang ito. Ang mahalaga ikaw ay masaya. ‘Wag mong intindihin ang sasabihin ng iba. Sila ang may problema. –Ituloy Mo Lang by Siakol

May tatlong magkakaibigan. Sina Angel, Angela, at Angelika. Pare-pareho silang nakatapos ng Business Administration major in Marketing. After two years, nagta-trabaho si Angel bilang Assistant Marketing Officer sa isang multinational company. Si Angela naman ay naging isang freelance model at blogger. Habang naiwang walang trabaho si Angelika.

Sa kanilang tatlo, isa lang talaga ang masaya at iyon ay si Angela dahil siya lang ang nakakagawa ng gusto talaga niyang gawin. Masyado kasing nakakulong si Angel sa conventional na mundo. Dahil expected na kung ano ang natapos mo dapat in line doon ang trabaho mo, tinitiis niyang magtrabaho sa posisyong hindi naman talaga niya gusto. Si Angelika naman, isa rin siya sa ayaw talagang maging marketista (ewan ko ba sa tatlong ‘to ba’t nag-major pa ng marketing) at iniisip din niya na kapag nag-iba siya ng landas na tatahakin, ija-judge siya ng tao. Pero dahil matigas ang ulo ni Lika, hindi nga siya naging marketista kaso hindi rin siya tumahak ng kahit anong landas.

How sad, ano, Bes? Dahil lang sa sasabihin o iisipin ng ibang tao, nalilimitahan natin ang sarili natin. Dahil sa ibang tao, imbes na lapitan natin ‘yong kasiyahan natin, lalo pa nating nilalayuan. Bakit nga ba?

Ang problema kasi masyado tayong judgmental. Lahat tayo sa totoo lang. Kahit i-observe mo ‘yong sarili mo, for example nasa jeep ka tapos tingnan mo ‘yong mga kasakay mo, for sure magsisimula kang mang-judge. Judge ba tayo sa past life natin? Chos.

Pero ang ganda lang no’ng kantang “Ituloy Mo Lang”. Go lang, Bes! Kung ano man ang pangarap mo-in line man ‘yan sa natapos mo-go for it! Hindi madali alam ko at ‘yon nga e, ‘yon nga ‘yong dapat magpa-motivate sa ‘yo lalo. Kaya mo ‘yan, Bes. Ikaw pa?

Sana si Angel, mag-resign na lang sa trabaho kasi for sure kung ano man ‘yong gusto niyang gawin, mapagkakakitaan din naman niya. Kung kailangang-kailangan naman niya ‘yong current job niya dahil sa pinansyal na rason, try niya na lang gumawa ng time para magawa rin kung ano man ‘yong gusto niya. Kumbaga, unti-untiin niyang lapitan ‘yong bagay na makakapagpasaya talaga sa kaniya.

Para naman kay Lika, sana magkaroon siya ng lakas ng loob para hanapin ‘yong bagay na makakapagpasaya sa kaniya. Huwag sana nilang isipin ni Angel ‘yong ibang tao kasi at the end of the day, sino bang magbe-benefit kapag naging successful sila? Sino rin bang maaapektuhan kapag hindi sila sumaya sa mga ginagawa nila? Ang ibang tao ba?

Do what you love, Bes. Live what you love. Kiber sa iba. Judgmental lang mga ‘yan, hindi naman nakakatulong. Kainis. Haha!