“A LOVE PROJECT” Chapter 9 (Finale) | A Feb-ibig Series

CARLO

Patakbo akong pumunta sa garden. I stopped. My heart beats raised dahil sa pagtakbo, at dahil sa kaniya. Is she really here?

Tinitingnan niya ‘yong mga roses ni Mommy. There is a subtle smile in the corners of her lips.

“Hi!”

Lumingon siya. She smiled. “Sorry, I came in too late.”

Lumapit ako sa kaniya. “No, it’s okay. Nakabalik ka na pala.”

“Kanina lang.” She sighed. Pagod siguro. “While in Singapore, I met someone.”

“Okay, that hurts.” All my hopes died down. Siguro, we’re just destined to be friends.

She rolled her eyes at me.

I smirked.

“You know it wouldn’t hurt to listen to the whole story.”

“Okay, okay.”

Her gaze fell upon the roses again. “I met someone who met someone. She had to work with a guy, you can say out of whim. Alam niyang kailangan niya si guy to be what she always wanted to be and to show other people what she’s capable of. But just seeing the guy online, alam na niya na she may be in trouble. She believes that ‘prevention is better than cure’.

“Kasi, hindi naman talaga masungit ‘yong kaibigan ko. She’s nice to everyone kaya nga no’ng pinakilala siya no’ng guy sa mga friends nito, the friends were confused kung bakit ‘Sungit’ ang tawag ni guy kay girl. Sinusungitin ni girl si guy as a defense mechanism. Ayaw kasi ni ate girl na mahulog, alam naman kasi niyang hindi siya masasalo ni guy.”

She looked at me and I know, nakita niya ‘yong confusion sa mukha mo. “It’s hard to compete with a 3-year worth of memories, of love. And it’s so scary.” Binalik niya ‘yong tingin niya sa mga roses. “And then there’s the project, the project my friend’s was working hard to finish. Alam niya kasi ‘yon ‘yong key niya sa mga pangarap niya. Pero…” Tumingin siya ulit sa akin. This time, she turned her body towards me.

Humarap na siya sa akin. “Pero ano ba namang laban ng friend ko sa love? It hit her e, I’d say pretty badly. Kahit ano pang prevention ang ginawa niya, she fell, hard I’d say.” Umiling-iling siya habang nakangiti. “How stupid of her.”

Ngumiti ako. “It’s you, right? And not just a friend.”

Kumunot ‘yong noo niya. “Alam mo parang narinig ko na ‘yan or nabasa somewhere.”

Our first conversation. Nagpanggap ako no’n na kaibigan ako ng sender no’ng post sa XUSC. “Pa’no mo nga ba nalaman na ako ‘yong sender no’n?”

“Gut feeling.”

“Oh.” Tumangu-tango ako. Then, silence.

“Uhm, sige, I gotta go. Gabi na masyado.”

Tumalikod siya. I held her hand to stop her. “Pagkatapos mong mag-confess ng feelings mo, do you think hahayaan kitang umalis nang gano’n-gano’n lang, Sungit?”

Nakasimangot siyang humarap. “E wala ka kayang reaction diyan. Wala kang reply sa mga sinabi ko. Naiisip ko tuloy na na-realize mo nang hindi mo naman pala ako gusto.”

Hindi ko mapigilang mapangiti. “I just want to teach you a lesson para sa pag-iwas mo sa akin, sa pag-alis mo nang biglaan, at sa pagpapa-miss mo ng sobra. Alam mo bang plano kong sundan ka sa Singapore? Pumunta ako sa bahay n’yo one time and sabi ng ate mo na nasa Singapore ka na at ako naman itong si tanga, hindi man lang nagtanong. Nag-assume akong hindi ka na babalik. Mabuti na lang binabasa ko ‘yong blog mo.”

She smiled and laughed a little.

“Nakakatawa ba ‘yon? Ha, Mandy? Sobrang natakot ako sa thought na hindi na kita ulit makikita.”

Bigla na lang niya akong niyakap. “Silly,” she whispered.

I hugged her back. Hinigpitan ko pa. I don’t want to ever let her go.

“Don’t be scared,” sabi ko sa kaniya no’ng binitawan na namin ang isa’t isa. “Hindi naman sa tagal ng pagsasama nasusukat ‘yong pagmamahal e. Mandy, you taught me how to love again, how not to be scared to love and to give your all.”

Pinunasan ko ‘yong luhang tumulo sa pisngi niya.

Hindi ko na rin napigilang umiyak. “Grabe, ngayon pa lang nagsi-sink in ‘yong mga sinabi mo kanina. Ngayon pa lang nagsi-sink in na nandito ka na ulit.” I hugged her again.

“I won’t leave you again,” she said. Umiiyak din siya. “I’m sorry.”

“I love you,” I finally got to tell her.

“May ibabalik nga pala ako sa ‘yo.” Bumitaw siya. May kinuha siyang velvet box sa bulsa niya. “Carlo, ayokong maging best friend mo lang.”

Napakagat ako ng labi, nagpipigil ng kilig. Kinuha ko ‘yong singsing. Kinuha ko rin ‘yong kamay niya para isuot ‘yong singsing.

Binawi niya ‘yong kamay niya. “Ayoko ngang maging best friend mo lang e.”

Kinuha ko ulit ‘yong kamay niya at hinawakan ito ng mahigpit para hindi na siya makapalag. Habang sinusuot ‘yong singsing, I looked at her in her eyes. “Sabi sa description nitong singsing, you should give it to someone you cannot live without as a sign of your eternal love. It’s not a ‘best friend’ ring, my love.”

Sinamaan niya ako ng tingin. “You tricked me!”

“I’d do anything for love.”

Finally, ngumiti na siya. Tiningnan niya ‘yong singsing. “Thank you.”

I kissed her in her forehead and hugged her again. Bumitaw rin ako kasi may naalala ako. “Pa’no pala ‘yong book?”

“I’ll have a book but not your story. Ire-revise ko ‘yong manuscript ko dati. Sabi ni ate, may grasp na ako sa ‘realism’ kasi alam ko na ‘yong pakiramdam ng nagmamahal.” She smiled.

“Really?” I asked.

“Yes?”

“Paano?”

“Ganito.” She stepped closer. Nilapit niya ‘yong mukha niya sa akin. She closed her eyes. Bago pa siya tuluyang makalapit, she paused. While still closing her eyes, she whispered, “I love you.”

Inunahan ko na siya. I kissed her, in her soft lips. She smiled. I did too.

**FIN**

Gamitin ang tag na “A Love Project” para maling basahin ang kwento dito sa blog (i-type mo siya sa Search box, bes). This story is purely fictional. Anumang pagkakatulad sa tunay na buhay ay coincidental lang. Maraming salamat sa pagbabasa!

“A LOVE PROJECT” Chapter 8 | A Feb-ibig Series

MANDY

Sobra akong napagod pero masaya ako ’cause finally, nakauwi na ako. I enjoyed my stay in Singapore with my kuya. I got time to think and unwind.

I was about to sleep no’ng may kumatok sa pintuan ng kwarto ko. Then came ate. She was carrying a cardboard box.

“Hey.”

“Ano ‘yan?” I asked.

“Carlo came the other day and gave this. Ito daw ‘yong mga binigay niya sa ex niya na ibinalik ng ex niya recently sa kaniya. These may help with your book, he said.”

Kinuha ko ‘yong box. “Thanks.”

Lumabas na si ate ng kwarto. I wanted to ignore the box that night. Gusto ko na sanang ipagpabukas ‘yong pagtingin ng laman ng box but then again, alam ko naman sa sarili kong hindi ako makakatulog hangga’t hindi ko siya binubuksan. So, I opened it.

I was greeted by letter, cards, three plastic roses, two teddy bears, a Baymax stuffed toy, a necklace with a letter C pendant and a heart, a heart pillow, and a velvet box. The last item took my attention the most. Kinuha ko siya.

“So where’s the ring?”

“What ring?”

“‘Yong engagement ring n’yo sana.”

“Binigay ko kay Mommy.”

Could this be it? I’m confused. Pagbukas ko sa box, may nahulog na papel. I looked at the ring, it’s definitely not the ring na ibibigay niya dapat kay Anne. I know that ring. Sinend sa akin ni Carlo ‘yong link kung sa’n niya ‘yon inorder online so I can describe it in the book.

I picked the paper. It said, “To Mandy”. Binuksan ko.

I’ll wait until you’re ready to accept me as a friend again. That ring is a “best friend” ring. Please be my best friend? -Carlo

Nabasa ‘yong papel. I cannot control my tears. Why did he have to do this, all of these?!

“Umiiyak ka na naman.”

Kaagad kong pinunasan ‘yong pisngi ko. I stood up from the floor.

Pumasok ulit sa kwarto si Ate Silvie. “I know, Mandy. I know that you love him too,” she said.

“I don’t,” mabilis kong sagot. “You know why I’m crying? I hate this complicated setup.”

“I don’t believe you. Kilala kita, Mands. You maybe confused right now. Siguro natatakot ka kung paano na ang mangyayari sa book mo, sa pangarap mo kapag in-entertain mo ang feelings mo para kay Carlo.”

There’s no point in denying now. “It’s not just that, ate.” Ito na, I was about to voice out my fears na. “I’m scared. What if he’s just making himself believe that he loves me para makalimot siya sa past niya? What if he’ll just use me as a rebound? What if hindi niya ako magawang mahalin ng buung-buo because of all the damages his ex caused him? What if masaktan lang ako? What if magkasakitan lang kami? Is it worth it, ate? Will it be worth it?”

“Hindi ba ang love parang pag-inom ng beer? You take risk. You have to try to drink it para malaman kung talaga bang mapait and then you drink some more para masiguro mong mawawala ang pait or ma-realize na hindi pala. I read the first draft of your story, Mands.”

“That’s the thing with people. We give advices because we don’t use them. Hindi ko alam, ate, kung kaya kong mag-take ng risk,” I told her honestly.

“Okay then.” Inangat niya ‘yong kanang kamay niya na parang may hinahawakan siya. “Here’s your bottled water, clean. It symbolizes your dream to be an author.” Inangat niya naman ‘yong left hand niya. “And here’s a can of beer. Sinisimbolo naman nito ang feelings mo para kay Carlo. Take them both.”

I sighed in frustration. “I can’t.”

“‘Yong story ni Carlo na sinulat mo, it has potentials. ‘Yong hinahanap kong realism, nandoon. By realism, I mean real feelings, Mandy. Naramdaman ko na rin finally ‘yong nararamdaman ng mga characters mo. I would love to publish it pero alam kong magiging awkward ‘yon kung magiging kayo ni Carlo. So, I’m publishing one of your old manuscripts instead. And that’s why I’m giving you this bottled water.”

“Ate…” Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Finally, she’ll help me reach my dream.

“Now, I’m not asking you to pick one, Mandy. Parehas ko nang ibinibigay sa ‘yo. Still, the decision is yours. Tatanggapin mo ba silang dalawa?”

Naiyak na naman ako. Tears of joy, na-touched ako sa ginawa ni ate. Tumango ako and kinuha ko ‘yong kunwaring hawak niyang imaginary tubig at ininom ‘yon. I did the same with the imaginary beer. Then, I hugged Ate Silvie. “Thank you, ate. You’re the best.”

“So, ano pang hinihintay mo?” she asked pagkatapos naming magyakap.

I nodded. “Pupuntahan ko na siya. I’m taking a risk. He’s, after all, worth it.”

She smiled. “Good. Go na!”

Tumakbo na ko. Parang nawala ‘yong pagod ko. I was so excited to see him.

“Mandy!” Tinawag ako ni ate bago ako makalabas ng bahay. She put the “best friend” ring in my hand. “I think kailangan mong ibalik sa kaniya ‘yan.”

I smiled, nodded, and ran onto one of my realest dreams.

****

Gamitin ang tag na “A Love Project” para masundan ang kwento dito sa blog (i-type mo siya sa Search box, bes). This story is purely fictional. Anumang pagkakatulad sa tunay na buhay ay coincidental lamang. Abangan ang huling kabanata…

“A LOVE PROJECT” Chapter 7 | A Feb-ibig Series

CARLO

“Hay nako! Heto na naman tayo mga, brads! Inuman na naman dahil sa babae, ‘no, Carlo?”

“CJ, pre. CJ,” pagtatama ko kay Japs. Kina-Carlo na naman ako.

“Pre, hindi ka naman makaka-move on sa ganiyan e,” sabi naman ni Joshua.

Ang daming alam talaga ng mga ‘to. “Wala nang dada-dada. Inom na lang tayo, mga pre! Woohoo! Ang sarap ma-broken hearted! Grabe!”

“Walang hiya ka talaga, brads! Parang may mangyayari sa inom, ‘no?”

“Meron talaga! Mamaya lang ng onti, makakalimutan ko na silang lahat!”

Maya-maya…

Kukunin ko sana ‘yong phone ko kaya lang tinampal ni Joshua ‘yong kamay ko.

“Huwag mo nang tawagan, pare.”

Ngumiti ako. “Brads, I miss her.”

Napailing-iling na lang sila. Kinuha ko ‘yong phone at tumayo na ako. “O, sa’n ka pupunta?”

“Uwi na.”

“Ingat.”

“Sa bahay ang diretso ha, Carlo Jan!”

“Aye, aye!”

Pinahinto ko ‘yong taxi at nagbayad sa driver. Pagkatapos, bumaba na ko. Teka, hindi namin ‘to bahay a. Really, Carlo? 

Dinukot ko ‘yong phone ko mula sa bulsa at tinawagan siya. Gaya ng dati, hindi pa rin niya sinasagot. “Tang-”

“Don’t say bad words.”

“Agh!” Sinubukan ko ulit siyang tawagan, paulit-ulit gaya ng dati. Pero wala, wala talaga. I texted her.

Nasa labas ako ng bahay nyo. Hindi ako aalis dito hanggang di mo ko kinakausap.

Bumukas ‘yong gate nila. Finally. The same short, curly hair. Her irritated expression.

“What the hell, Carlo?!”

I smiled. That voice.

“Umuwi ka na.”

“Mag-usap naman tayo oh. I miss you, sobra.”

Napasimangot siya. “Are you drunk?”

“No. Nakainom lang but I’m not drunk.”

“Ba’t nandito ka? Did you drive?”

She’s concerned. “No, nag-taxi ako.”

“I’ll call you a cab, umuwi ka na.”

Hinawakan ko ‘yong kamay niya para pigilan siya. “I’ll do that later. For now, let’s talk please.”

Ngumisi siya. “Sige nga. Ano bang gusto mong pag-usapan natin?” Tumawa siya. “You ruining everything? No falling in love, that’s in the contract.”

“Kaya nga e. Kaya nga sana, bumalik na lang tayo sa dati. Handa naman akong maging kaibigan mo lang. A friend who’s always there for you. ‘Yong hindi ko kaya ‘yong ganito. ‘Yong ayaw mo na akong papasukin sa buhay mo.”

“Sino bang nauna?” pasigaw niyang tanong. “Sino bang unang umiwas? ‘Di ba you want to ignore me until you forget me? Then, stick with your plan, Carlo.”

I smirked. “Kung kaya ko lang e. Mandy, hindi ko pala kaya. I can’t live without you. I am not asking you to reciprocate my feelings, ang hinihiling ko lang is pumayag ka na maging magkaibigan tayo ulit. Please. Please, Mands.”

Umiling siya. “The thing, Carlo, is you can. Kaya mo. Kayanin mo. I have a dream, I have plans. Please, don’t ruin them. Good night.” Pumasok na siya sa loob ng bahay nila.

I smiled.

****

My Trip to SG

Hi, readers and onlookers! 🙂 I know it’s been a while since I last check on you. I’m in Singapore right now, visiting my brother. While spending good times with him, I’m also exploring the country a bit. There are some photos below that you may enjoy. Talk to you again soon. xx, Mandy.

****

Bro’s Engagement

I am super, super excited!! Another reason why I flew in Singapore was to help my brother with her proposal to her then, 5-year girlfriend and now, fiancée. I really could not contain my excitement, guys!! My smile’s from ear to ear.

I was in tears when Ate Ja said YES. All our hardwork in planning and organizing the proposal was worth it! Congratulations, Bro! Below are some photos and the details of the proposal.

I’ll be posting more about my trip in SG once I get back to the Philippines, that’ll be very soon. Take care, guys! xx, Mandy.

****

“Carlo, may bisita ka,” sabi ni Mommy. Dali-dali akong bumaba. Is she back?

“Carlo.”

“Anong ginagawa mo dito?” It’s not short, curly hair.

“Gusto ko lang ibigay sa ‘yo ‘to.” Tinuro niya ‘yong box sa tabi niya. “And gusto ko lang mag-sorry ulit. I’m really sorry, Carlo.”

Tumango ako.

****

Gamitin ang tag na “A Love Project” para masundan ang kwento dito sa blog (i-type mo siya sa Search box, bes). This story is purely fictional. Anumang pagkakatulad sa tunay na buhay ay coincidental lamang. Abangan ang susunod na kabanata…

Spent Valentine’s Day with Crazy Beautiful You

Waaaaaahh! Hahaha! Ang ganda ng Crazy Beautiful You, a Star Cinema movie starring Kathryn Bernardo and Daniel Padilla.

Lowbat kasi ‘yong phone ko at wala na akong magawa kaya pumunta ako sa kwarto ng kapatid ko para makinood sa TV niya. Sira na kasi ‘yong nasa kwarto ko. Una, nilipat ko ‘yong channel sa Starworld from GMA kaso Masterchef ‘yong palabas at napanood ko na siya. Nilipat ko sa mga iba pang channels gaya ng TLC, Disney Channel, Cartoon Network, PBO, at Cinema One. ‘Yon lang naman kasi ‘yong mga channels na pinapanood ko.

Sa Cinema One, may movie na kaka-start lang. Sakto! Una kong nakitang artista is si Iñigo Pascual. Then, si Kathryn na cool na cool na nakasakay ng kotse. Ah, Kathniel ‘to!

Habang patagal nang patagal nagiging familiar ako sa movie kasi ilang beses ko na siyang napapanood kaso sandali lang kasi after one scene, hindi ko na tinutuloy dahil hindi ko naman naumpisahan. Finally, kahapon, naumpisahan ko kaya kahit pa inaantok ako, ginusto at pinilit ko siyang tapusin. At natapos ko siya. Tatlong beses lang naman YATA akong umiyak. Walanjong pelikula!

Isa sa mga paborito kong eksena is no’ng umiiyak si Jackie (Kathryn) habang nagte-take ng pictures kasi nakita niya ‘yong mama niya na grabeng umasikaso sa mga ibang bata. Actually, tatlong beses ko ng napapanood ‘yong scene na ‘yon dahil laging ‘yon ‘yong naaabutan ko dati at every time, lagi akong naiiyak. Kahapon, ‘yon ‘yong scene na unang nagpaiyak sa akin.

Pangalawang scene na nagpaiyak sa akin is ‘yong pinagalitan ni Kiko (Daniel) si Jackie dahil sa ka-selfish-an nito. Sobrang relate kasi ako do’n, feeling ko ako ‘yong pinapagalitan niya. Sagad sa bones kasi e. Gaya ni Jackie, may pagka-selfish din ako. Iniisip ko rin, “kawawa naman ako”.

Third scene is no’ng patapos na. No’ng napuno na ‘yong character ni Daniel. No’ng sinabi niya ito:

Hanggang kailan ba ako magiging anak? Hanggang kailan ba ako magiging kapatid?

Naka-relate na naman kasi ako do’n at pati kay Kiko. May mga time kasing pinipilit kong i-absorb lahat ng sakit, tiisin lahat para sa mga taong mahal ko. Pero siyempre nakakapuno rin ‘yon.

Hindi ka naman masasaktan kung hindi mo mahal.

Ang dami talagang hugot ng movie na ‘to. Ang gusto ko ‘yong mga hugot, tungkol sa personal development at love for the family. Gusto ko na may mga flaws ‘yong characters na dalawang bida at dahil sa isa’t isa, na-mend ‘yong flaws na ‘yon at mas naging masaya at mabuti sina Jackie at Kiko sa huli.

Gusto ko rin na na-feature ang Mount Pinatubo at ang mga katutubo. Non verbatim dialogue habang pinagmamasdan nina Jackie at Kiko ang crater ng Mt. Pinatubo:

Sabi nila galit na galit daw ‘yan no’n. Pero tingnan mo, no’ng nalabas na niya ‘yong galit niya, ang ganda na. A beautiful disaster.

Jampacked talaga sa morals ang Crazy Beautiful You kaya sulit talaga na siya ‘yong ka-date ko no’ng Valentine’s Day (kahit pa pinaiyak niya ako ng bonggang-bongga). I gained a “new perspective”. Hihi.

Hugot!

Bakit gano’n? Bakit ang gulo ng pag-ibig? Parang maze, maraming pasikut-sikot. Paiikot-ikutin ka hanggang sa mahilo ka. Kung minsan nga, ililigaw ka pa. Ililigaw ka nang ililigaw para sa huli, kapag nahanap mo na ang tunay mong destinasyon, worth it lahat. Huwag kang mapagod kakabalik sa pinanggalingan mo. Darating din ‘yong araw na finally, makakalabas ka sa maze at magiging isa na lang at tuwid na ang daan.

Bakit gano’n? Bakit kung minsan sobrang sakit magmahal? Parang sirang cell phone. Pagtya-tyagaan mo. Pipilitin mong paganahin. Kahit na nakakainis at nakaka-frustrate gamitin, ginagamit mo pa rin. Kahit papaano sumasaya ka naman kasi. Ang kaso, may mga bagay talaga na hindi pwedeng permanente. Kahit ano pang effort mo para isalba ang phone mo, darating ‘yong araw na bibigay din ‘yan. Mawawala rin sa ‘yo. Maaaring na-save mo ‘yong mga files pero hindi mo na sila maibabalik sa orihinal nilang lagayan o storage. Maaari mo namang palitan ang phone mo, mahirap nga lang kapag sobra kang na-attached doon sa nasira.

Bakit gano’n? Bakit sa dinami-rami ng tao sa mundo, hindi mo pa rin mahanap ‘yong taong para sa ‘yo? Parang pag-o-order lang ‘yan ng 1 pc. Chickenjoy (sa bwisit na Jollibee na ang sakit sa damdamin ng mga Vday Special). P’wede ka namang um-order ng 2 pcs. kaso kulang sa budget or hindi mo pa kayang ubusin ‘yong dalawa. Masarap pa rin naman kahit nag-iisa ‘yong manok pero siyempre iba pa rin ‘yong may kasama.

Naglakad ako kanina at no’ng pauwi, nakasalubong ko ‘yong Tita ko kasama niya ang anak niya at asawa. Nagja-jogging sila. Sabi sa akin no’ng Tito ko ba’t wala daw akong kasama. Alam mo ‘yon, Bes!

1

Hugot pa more!

Bakit gano’n nga ba? Bakit gano’n ang pag-ibig, akala mo nahanap mo na ‘yong taong para sa ‘yo tapos biglang iiwanan ka lang pala? Parang lobo lang ‘yan e. Masaya ka kapag nabili mo. Nae-enjoy mong pinaglalaruan. Maganda sa mata. Kaso puputok din, kaso mabibitawan mo rin at lilipad, o kaya naman kusang mauubos ‘yong hangin. Wala na. Hindi na lobo. Hindi na gaya ng dati. Wala na…

Bakit kasi gano’n? May mga tao talagang paasa. Parang scam text lang ‘yan e. Sasabihan ka na nanalo ka. Iko-congratulate ka. Papasayahin ka. Pero oras na maniwala ka, lagot ka. Hihingan ka lang ng load niyan. Uubusin lang ang pera mo niyan. Bakit ba kasi naniwala ka? Hindi ba’t tanga lang ang napapaniwala sa ganiyan? Tanga at mga desperada, mga desperadang yumaman. Akala mo panalo ka pero ang totoo, talo ka. Ikaw ang talo at mare-realize mo ‘yan sa huli.

Bakit ba ganiyan magmahal? Kung minsan doon ka pa sa manhid nagmamahal. Bakit gano’n? Para kang blogger na walang reader. Lahat naman ginagawa mo. Nagri-research ka, inilalabas mo lahat ng emosyon, opinyon, at kaalaman mo para mapakinabangan din ng ibang tao pero wala. Nilangaw lang ang blog mo. Nasayang lang ang pagod mo.

Pero alam mo? Masarap naman talagang magmahal e kahit pa sabihing one-sided ‘yan. Iba rin ‘yong may inspirasyon ka. Iba rin ‘yong nakangiti ka bago ka matulog sa gabi. Kung umiiyak ka naman dahil sa pag-ibig na nasira, ayos lang ‘yan dahil isa sa mga kinabukasan noon, makakakita ka rin ng iba at mas deserving sa pagmamahal mo.

Kung wala ka namang minamahal o taong gusto sa kasalukuyan, wala naman ding problema. Siguro talagang ubos lang ang oras mo sa mga ibang bagay o sadyang hindi ka pa handa. Kakagatin ka rin ng pag-ibig, huwag kang mag-alala.

Sa totoo lang, sa tingin ko, ang love ang icing sa cake ng buhay. Dito mo malalasap ‘yong sobrang katamisan ng buhay. Dito rin magiging makulay ang buhay mo. Marami ka ring mapupulot na leksyon sa pag-ibig. Buksan mo lang ang puso mo. February man o hindi, feel the love and spread the love.

Advance Happy Valentine’s Day!

I can’t wait for this month to end. Chos!