Magnilay tayo.

Sa ating mga Pilipinong Katoliko, ngayon ang simula ng linggo kung saan nararapat magnilay-nilay ang bawat isa. Umpisa na ng Semana Santa. Simula na ng pagpepenetensya, pagsisisi sa ating mga kasalanan, pag-alala sa ginawang pagsasakripisyo ni Jesus, at panibagong pagbabago.

Hindi naman natin kailangang saktan ang ating mga sarili upang makiisa sa paghihirap ng Panginoon para iligtas tayo sa ating mga kasalanan. Ang kailangan nating gawin ay ang tanggapin na tayo’y makasalanan, malaman ang mga pagkakamali natin, at gumawa ng paraan upang tayo ay maging mas mabubuting anak ng Diyos.

Paano ba tayo makakapagnilay-nilay? Para sa akin, kailangan natin ng reflection, meditation, at fasting.

  • Reflect

Maaari tayong sumali sa mga retreat o recollection para makapag-reflect. Pwede din naman nating gawin ito kahit saang lugar na tahimik gaya sa loob ng mga kwarto natin.

Mag-reflect tayo sa mga sarili nating pagkatao. Maging aware sa mga kasalanang nagawa sa atin. Alalahanin nating hindi naman tayo perpekto. Ihingi natin ng tawad ang mga pagkakasala natin. Maging aware din tayo sa mga mali sa atin. Tanungin natin ang mga sarili natin…

Mabuti ba ang pakikitungo ko sa mga tao? Kailan ba ako huling nagalit? Bakit ako nagalit? Nakakasakit ba ako ng ibang tao? Pini-please ko ba ang Panginoon o ang sarili ko o ang ibang tao? Nakakagawa ba ako ng mga bagay ng nakakapagpasaya sa Diyos? Nagagawa ko ba ang mga tungkulin ko sa Kaniya at para sa Kaniya?

Humingi tayo ng tawad at magpatawad na rin tayo. Patawarin na natin ang mga taong nagkasala sa atin, humingi man sila o hindi ng tawad.

  • Meditate

Maglaan tayo ng labing lima hanggang tatlumpung minuto para kausapin nang taimtim ang Panginoon. Sa katunayan, hindi naman natin kailangang magsalita e. Bigyan lang natin ng oras ang Panginoon. Umalis tayo sa mundo natin na napakagulo, napaka-busy, huminto tayo at tsaka tayo magdasal.

Mag-meditate tayo upang mapabuti natin ang relasyon natin sa Panginoon at ma-improve ang ating spiritual heath.

  • Fast

Marami pa rin sa ating mga Katoliko ang nagfa-fasting, hindi kumakain ng karne tuwing Semana Santo lalo na sa Huwebes Santo, Biyernes Santo, at Sabado de Gloria. Marami pa namang ibang paraan para mag-fasting.

Bakit ba tayo nagfa-fast? Para magsakripisyo ng ilang araw upang i-acknowledge ang ginawang sakripisyo ni Jesus para sa atin. Pero kung iisipin natin ano pa bang ibang nagagawang mabuti ng hindi pagkain ng karne? Ito ‘yong mga naiisip kong pwede pa nating gawing pagfa-fasting:

  1. Bawasan ang oras online. Gamitin ang oras na ibabawas para mag-reflect at mag-meditate.
  2. Huwag magalit, magtaas ng boses, magkunot ng noo, magtaas ng kilay, magsabi ng hindi magandang salita. Huwag magmura.
  3. Huwag uminom ng alak. Huwag manigarilyo. Huwag kumain ng junk food.

Marami pa ‘yan. Depende na lang ‘yong mga idadag natin sa klase ng buhay mayroon tayo. Halimbawa, kung isa kang workaholic, bawasan mo ang oras ng pagtatrabaho mo.

Maganda rin kung ngayong Semana Santo, magsimba tayo, mangumpisal sa pari, mag-Station of the Cross, at magbisita sa iba’t ibang simbahan o mag-Visita Iglesia.

Ang Semana Santa, dapat hindi maging tanging panahon para tayo magnilay-nilay, para natin alamin at pagsisihan ang mga kasalanan natin, at para lumapit tayo sa Panginoon. Ang Semana Santa sana’y bigyan tayo ng inspirasyon para magsimulang magbago, mag-improve, maging mas mabuting tao para sa Diyos, para sa kapwa natin at maging sa ating mga sarili.

Mapayapang Semana Santa sa ating lahat! God bless!

Bakit Kailangang Magsimba?

Bilang buwan ng pag-ibig ngayon, atin ding talakayin ang isa pang klase ng pag-ibig… Pag-ibig na, kung ako’y tatanungin, pinakaimportante sa lahat.

Dati, hindi ako nagsisimba. Siyempre dalawang araw lang ako maaaring gumising ng hindi maaga dahil nag-aaral ako, isa-sacrifice ko pa ba ‘yong isa? Sa hapon naman, nakakatamad kaya at ‘yon ‘yong oras para gawin ko ‘yong mga assignments ko. Paminsan-minsan lang ako magsimba. Gusto ko lang magsimba kapag Simbang Gabi at kahit nagsisimba ako, hindi rin ako nakikinig. Nilu-look forward ko na kaagad ‘yong huling Sign of the Cross.

Pero no’ng elementary pala ako, nagsisimba ako every Wednesday. Nag-aral kasi ako sa Catholic school but just as the same, hindi naman ako nakikinig. Bata pa kami no’n e. Lalo na kung wala namang bantay, hindi naman namin sineseryoso ang misa o mga iba pang Catholic activities.

No’ng college ako, naging kasapi si Mama ng Catholic Women League dito sa lugar namin. Dahil doon, naging active siya sa simbahan. Isa hanggang tatlong beses siyang magsimba sa isang Linggo. Dati pa niyayaya niya rin kaming magsimba pero hindi niya kami napipilit. May mga pagkakataong papayag kami ‘pag tinanong niya kami ng Sabado pero hindi naman kami babangon kinabukasan.

Bakit ba kasi kailangang magsimba? Nagdadasal naman ako bago matulog. Kinakausap ko naman si God kapag kailangan ko? Sayang lang ‘yong pamasahe. Ang ingay pa minsan ng mga bata sa simbahan. ‘Yong ibang teenager, nagdadaldalan lang. Tapos hindi mo naman maintindihan ‘yong pare kasi maingay. Ang tagal-tagal pa ng homily!

‘Yan ‘yong mga rason ko dati kung bakit ayokong magsimba. So petty. Sadly, hindi ko nakita ang essence ng Holy Mass sa buhay ng isang Kalolikong kagaya ko. Sadly, natuto lang akong magsimba Linggo-linggo no’ng kinailangan ko Siya nang husto, no’ng nagkasakit ako.

Isa┬ánga rin ‘yon sa mga pampalubag-loob ko. Baka kaya ako nagkasakit ay para mas mapalapit ang loob ko kay God. Kadalasan naman kasi gano’n, hindi ba? Kapag nakakaranas ka ng suliranin, doon ka napapalapit kay God.

Kung wala ka nang maintindihan. Kung wala ka nang makapitan. Kapit ka sa akin… Kapit ka sa akin. Hindi kita bibitawan. (Wag Ka Nang Umiyak by Sugarfree)

‘Yan siguro ‘yong binubulong palagi ni God sa atin ay ‘yan din siguro ‘yong reason kung bakit lahat na ng baging nawawala para wala ka nang makapitan, para kumapit ka na sa Kaniya. At kapag kumapit ka sa Kaniya, sigurado akong hindi ka Niya bibitawan. Ang dasal ko lang, huwag ka rin sanang bibitaw.

So, bakit nga ba kailangang magsimba?
Para makilala mo si God. Para malaman mo kung gaano ka Niya kamahal. Para malaman mong kahit anong mangyari, may makakapitan ka. Para tumibay ka spiritually. Kailangan mo ‘yong spiritual strength na ‘yon para malagpasan lahat ng matinik, bato-bato, lubak-lubak, at putik-putik na parte ng buhay. Panghuli, para rin malaman mong hindi ka nag-iisa.

God bless!

Pag-mamahal sa Panginoon ay simula ng karunungan. Ang Kaniyang kapuriha’y manatili magpakailanman. (Pagmamahal sa Panginoon by Himig Heswita)