Oh, umiiyak ka na naman.

‘Yong totoo, nagiging hobby mo na ang pag-iyak, ah. Kailangan ba araw-araw? Mamaya niyan manuyo na yang mata mo. Mamaya niyan maubusan ka na ng luha. Tama na… Tahan na. Ha?

Oo, alam ko naman e. Matigas ang ulo mo. Kapag sinabihan kang tahan na, lalo kang iiyak kahit pa alam nating lahat na hindi naman niyan masosolusyunan ang lahat, lahat ng pinagdadaanan mo.

Lahat naman ng tao may pinagdadaanan, may pasan-pasan na bagahe, iba-iba nga lang ang bigat. Iba-iba rin naman tayo ng lakas. Gaya lang ‘yan ng pagwo-workout e. Kailangan mong magbuhat ng weights para lumakas ka. Kailangan nating dumaan sa mga pagsubok para tumibay tayo. Parte ‘yan ng buhay. Kasama ‘yan sa paghubog natin sa ating pagkatao.

Alam ko naman hindi talaga mabait ang buhay sa ‘yo. Alam ko naman na kaiyak-iyak naman talaga ‘yong mga nangyayari sa buhay mo. Ang akin lang, magpakatatag ka. Huwag mong idaan lagi sa iyak. Walang masama sa pag-iyak pero subukan mo ring mag-isip at gumawa ng solusyon.

Kaya punasan mo na ‘yang mga luha mo. Huwag ka nang maghintay pa na may taong dumating para magpunas niyan at magpatahan sa ‘yo. Alagaan mo ang sarili mo, pero huwag kang liliko kapag may nakita kang harang sa daan mo. Kapag umulan ba, hindi ka na lalabas kahit kailangan? Para saan pa ang payong, hindi ba? Be strong for yourself.

Shrek (Tagalog)

Isang araw na wala namang araw or nagtatago lang ‘to sa mga clouds, may magkapatid na bored na bored. Magluluto ang isa ng adobong manok nang mapagdiskitahan niya ang dalawang inosenteng kamatis at j-in-uggle ito. Feeling yata niya nasa circus siya. Sabi pa sa ate niya, “Kaya mo ‘to?”

Iniwan no’ng ate niya ‘yong hinuhugasan niyang jar at kinuha ‘yong dalawang kamatis. Unfortunately, hindi niya nasalo ‘yong isa. She tried again though. Nagawa naman niya twice but then her confidence level kind of soared. Akala niya masasalo niya ang kamatis kapag hinagis niya nang mataas, to the point where it almost kissed the ceiling. Well, iyon ang akala niya. Ang ending lamog ang kamatis.

‘Yong pasimuno nasayangan. Ang kapatid pinagalitan ang ate, at ang unang mga salitang lumabas sa kaniyang bibig ay ang mga unang salitang inyong mababasa in the poem below. Take note this is a collaboration poem by the sisters (and ako ‘yong ate).

Shrek

Ang bola ay hindi nalalamog

At ang kamatis ay hindi tumatalbog

Kapag ang bahay nati’y lumubog

Sa baha tayo magmumumog

Hoy Pate, huwag ka nang magdabog

Kung ayaw mong ika’y mabugbog

At ang ulo mo’y maalog.

Mabuti na lang ika’y hindi nausog

Ang puso mo’y pigilang sumabog

Hayaang ito’y kumabog

Kapag ito’y may magandang hubog

Maaari mo itong ituhog

Ayusin mo ang iyong pagtulog

Nang ika’y hindi mahulog

Sa gabing ang langit ay kumukulog

At ang buwan ay magiging bilog

*Shrek ‘yong title kasi OGre si Shrek. Sarreh na!

Sino ka?

Sa tingin ko, ang pinakaimportanteng dapat magawa ng isang young adult ay ang kilalaning mabuti ang sarili niya. Alamin kung ano ba talagang gusto niya, kung ano ang makakapagpasaya sa kaniya, kung sino talaga siya.

Dapat nating malaman kung sino ba talaga tayo…

Sino ba talaga ako?

At kapag nalaman na natin kung sino talaga tayo, pakiramdam ko hindi na tayo maaapektuhan ng kahit anong pangungutya pero ang mas importante doon, magiging confident na tayo.

Confidence. Hindi lang mawawala ‘yong hiya natin kung hindi magiging confident din tayo na umalis sa comfort zone natin para magsimulang maglakbay sa path na gusto natin. Confidence… Confidence to make big decisions… Confidence to mold our life as how we want to… Confidence and strength to stand up with our own feet.

Kapag kilala natin ang sarili natin, hindi tayo malilito. Hindi tayo maghahanap ng kasagutan kung saan-saan sa tanong ng buhay na: ano ba ang gusto mong marating? Kapag kilala natin ang sarili natin, alam na rin natin kung paano ifu-fulfill at pasasayahin ang mga sarili natin.

Alam ko mahirap din talaga. Pero siguro, dapat nating mag-effort. Gaya kung paano tayo nag-e-effort kapag may taong gusto tayong makilala, pagtuunan din nating ng oras at effort ang pagkilala sa ating mga sarili.

Sino ba ako? Ano bang gusto ko? Anong ayaw ko? Bakit ako galit? Bakit ako malungkot? Bakit ako masaya? Paano pa ako mas sasaya? Paano ko masasabing kontento na ako?

At sa bawat tanong na nasasagutan, matuto tayong tanggapin ang mga katotohanan. Huwag mong i-expect na perpekto ka. Mayroon at mayroon siguradong hindi ka magandang katangian na maaari mo namang baguhin. Mayroon at mayroon ka siguradong matutuklasang kahinaan mo na maaari mong i-improve.

Kilalanin mo ang sarili mo. Tanggapin mo ang sarili mo. Mahalin mo ang sarili mo. Then, I believe dahan-dahan, unti-unti, magiging maayos na din ang lahat. Ika nga, “…start with yourself.”

Magnilay tayo.

Sa ating mga Pilipinong Katoliko, ngayon ang simula ng linggo kung saan nararapat magnilay-nilay ang bawat isa. Umpisa na ng Semana Santa. Simula na ng pagpepenetensya, pagsisisi sa ating mga kasalanan, pag-alala sa ginawang pagsasakripisyo ni Jesus, at panibagong pagbabago.

Hindi naman natin kailangang saktan ang ating mga sarili upang makiisa sa paghihirap ng Panginoon para iligtas tayo sa ating mga kasalanan. Ang kailangan nating gawin ay ang tanggapin na tayo’y makasalanan, malaman ang mga pagkakamali natin, at gumawa ng paraan upang tayo ay maging mas mabubuting anak ng Diyos.

Paano ba tayo makakapagnilay-nilay? Para sa akin, kailangan natin ng reflection, meditation, at fasting.

  • Reflect

Maaari tayong sumali sa mga retreat o recollection para makapag-reflect. Pwede din naman nating gawin ito kahit saang lugar na tahimik gaya sa loob ng mga kwarto natin.

Mag-reflect tayo sa mga sarili nating pagkatao. Maging aware sa mga kasalanang nagawa sa atin. Alalahanin nating hindi naman tayo perpekto. Ihingi natin ng tawad ang mga pagkakasala natin. Maging aware din tayo sa mga mali sa atin. Tanungin natin ang mga sarili natin…

Mabuti ba ang pakikitungo ko sa mga tao? Kailan ba ako huling nagalit? Bakit ako nagalit? Nakakasakit ba ako ng ibang tao? Pini-please ko ba ang Panginoon o ang sarili ko o ang ibang tao? Nakakagawa ba ako ng mga bagay ng nakakapagpasaya sa Diyos? Nagagawa ko ba ang mga tungkulin ko sa Kaniya at para sa Kaniya?

Humingi tayo ng tawad at magpatawad na rin tayo. Patawarin na natin ang mga taong nagkasala sa atin, humingi man sila o hindi ng tawad.

  • Meditate

Maglaan tayo ng labing lima hanggang tatlumpung minuto para kausapin nang taimtim ang Panginoon. Sa katunayan, hindi naman natin kailangang magsalita e. Bigyan lang natin ng oras ang Panginoon. Umalis tayo sa mundo natin na napakagulo, napaka-busy, huminto tayo at tsaka tayo magdasal.

Mag-meditate tayo upang mapabuti natin ang relasyon natin sa Panginoon at ma-improve ang ating spiritual heath.

  • Fast

Marami pa rin sa ating mga Katoliko ang nagfa-fasting, hindi kumakain ng karne tuwing Semana Santo lalo na sa Huwebes Santo, Biyernes Santo, at Sabado de Gloria. Marami pa namang ibang paraan para mag-fasting.

Bakit ba tayo nagfa-fast? Para magsakripisyo ng ilang araw upang i-acknowledge ang ginawang sakripisyo ni Jesus para sa atin. Pero kung iisipin natin ano pa bang ibang nagagawang mabuti ng hindi pagkain ng karne? Ito ‘yong mga naiisip kong pwede pa nating gawing pagfa-fasting:

  1. Bawasan ang oras online. Gamitin ang oras na ibabawas para mag-reflect at mag-meditate.
  2. Huwag magalit, magtaas ng boses, magkunot ng noo, magtaas ng kilay, magsabi ng hindi magandang salita. Huwag magmura.
  3. Huwag uminom ng alak. Huwag manigarilyo. Huwag kumain ng junk food.

Marami pa ‘yan. Depende na lang ‘yong mga idadag natin sa klase ng buhay mayroon tayo. Halimbawa, kung isa kang workaholic, bawasan mo ang oras ng pagtatrabaho mo.

Maganda rin kung ngayong Semana Santo, magsimba tayo, mangumpisal sa pari, mag-Station of the Cross, at magbisita sa iba’t ibang simbahan o mag-Visita Iglesia.

Ang Semana Santa, dapat hindi maging tanging panahon para tayo magnilay-nilay, para natin alamin at pagsisihan ang mga kasalanan natin, at para lumapit tayo sa Panginoon. Ang Semana Santa sana’y bigyan tayo ng inspirasyon para magsimulang magbago, mag-improve, maging mas mabuting tao para sa Diyos, para sa kapwa natin at maging sa ating mga sarili.

Mapayapang Semana Santa sa ating lahat! God bless!

May magagawa ka pa ba?

Isa ito sa mga life lessons na simple lang ang concept pero honestly, mahirap i-apply pero kaya naman. Kaya naman kaya dapat subukan. Dapat pag-aralan. Dapat pag-practice-san hanggang makasanayan. Kapag nasanay na tayo, naniniwala ako magiging malaking tulong ito para sa atin.

Ano ang tinutukoy ko?

Ito. Sa t’wing nai-stress tayo, itanong natin sa mga sarili natin ang sanhi ng pagka-stress natin. Pagkatapos, isunod naman natin ang tanong na “May magagawa pa ba ako?”

Kung ang sagot ay meron naman, edi gawin natin. Kung ang sagot naman ay wala na, edi i-let go na natin. May mga bagay kasi talagang hindi natin maaaring pakialaman o kontrolin. Gano’n lang talaga.

Huwag nating hayaang ma-stress tayo sa mga bagay na wala na naman tayong magagawa. Huwag din nating hayaang ma-stress pa tayo sa mga problemang kayang-kaya naman pala nating solusyunan.

Ang stress kasi nakakapagod. Sa stress, p’wede kang magkasakit. Buti na lang ang stress p’wedeng agapan sa pamamagitan ng tamang mindset. So ano, may magagawa ka pa ba?

Take the Lead (Tagalog)

Kanina sa jeep, sabi no’ng mga katabi ko na kasasakay lang ang hirap daw sumakay kasi ‘yong mga tao imbes na umusog papunta sa driver para kaagad makaupo ‘yong mga sumasakay, umuusog papunta sa pasukan o pintuan. Hindi mo naman kasi talaga masisisi ang mga tao, lahat tayo gusto mapadali ang ginagawa natin. Gusto ng mga pasahero na madali silang makababa kapag nakarating na sila sa mga destinasyon nila.

Pero siyempre may punto naman talaga ‘yong mga katabi ko. Mas maganda naman talaga kung magparaya ‘yong mga tao para mapadali ang gawain ng kapwa nila. Ang problema lang ng mga taong kagaya ng mga katabi ko, pagpuna lamang at reklamo ang ginagawa nila. Anong pakialam ng mga pasahero sa opinyon nila? Wey.

Ang magandang gawin is to take lead. Huwag ka lang magdada-dada dahil sigurado akong minsan o makalawa sa buhay mo e ginawa mo rin ‘yong bagay na nirereklamo mo. Sadyang ikaw ang nabiktima ng norm o mga gawaing nakasanayan kaya kung makapagreklamo ka ngayon wagas-wagasan, teh.

Ang problema kasi sa atin porket iyon ang nakasanayan kahit pa alam nating mali or mas may maganda at maayos pang paraan para gawin ang isang bagay, doon pa rin tayo sa nakasanayan.

Back in 2014, sa isang interview ko kasama ang isang Senior Industrial Engineer, tinanong ako kung may tanong daw ba ako. Ang sabi ko paano ba natin makukumbinsi ang mga emplayadong nagre-resist sa change na palitan ang nakasanayang paraan nila ng pagtatrabaho at gamitin ang mga bagong prosesong d-in-esign ng mga IEs. Ang sagot niya sa akin, ipapakita daw niya mismo ang mga bagong proseso. Kumbaga, siya mismo ang gagawa o magde-demonstrate.

Mahirap daw kasi kung ie-explain mo lang. Kung sasabihin mo lang na mapapabilis sila kung ganito-ganiyan ang gagawin nila, panigurado hindi sila basta-basta maniniwala. Pero kung ipapakita mo na ito ganito, oh di ba mas mabilis, malaki ang tsansa na paniniwalaan ka nila at susundin ka nila.

Huwag tayong mag-expect masyado sa ibang tao. Sa tingin ko, first nature na natin ang intindihin muna ang sarili natin kaysa sa iba. Ang maganda nating gawin, maging halimbawa tayo. Kapag may nakita tayong butas sa mga bagay na ginagawa natin, huwag tayong mag-alangan na ayusin ito. Hindi natin kailangan magreklamo tungkol sa butas na iyon. Mas magiging epektibo kung sisimulan na natin siyang ayusin, malay mo makita ka ng iba at sundan ka. Eh di naayos ng bonggang-bongga ‘yong butas, ‘yong sira, ‘yong problema.

Kumbaga, Bes, may nangyari. Kung salita lang ang kaya mo, wala rin kasing mangyayari. Kaya naman, idaan na natin kaagad sa gawa. Totoo ‘yong kasabihang, kung gusto mong baguhin ang mundo, simulan mo ang pagbabago sa sarili mo.

Isang pinagpalang Linggo sa ating lahat!

Go with the flow na lang.

I’m happy to have written and finished “A Love Project”. Okay, aamin na ako. Inspired siya sa nabasa kong post ng isang Secret Files page. 🙂 Naisip ko lang what if gawan ko ng kwento ‘yong nagsulat no’n and that’s how I formulated the plot. I put myself in Mandy’s character. I’ve enjoyed writing it, especially ‘yong first parts. ‘Yong last parts, mas maganda ‘yong mga una kong naisip. Haha! Kasi naman nasa chapter 3 pa lang ‘yong kamay ko, ‘yong utak ko nasa finale na. Ba’t gano’n, Bes?

Hay…

Hay. Mainit na naman.

Hay. Ang init ng ulo ko kanina. Masama kasi ‘yong pakiramdam ko.

Hay. Matatapos na naman ang isang buwan.

Hay. Wala na namang nangyari. Pero okay lang. Sabi nga “Everything is as how it should be.” I trust God. Alam kong may plano siya para sa akin.

I had an invite for an interview days ago. Nag-confirm ako pero kinabukasan, nag-back out din ako. Bukod kasi sa masama ‘yong pakiramdam ko, hindi rin kumpleto ‘yong requirements ko. I already let it go. I just wanna mention it here, no biggy. Na-realize ko na kasi na wala namang mangyayari kung magsisisi ako.

Tbh, I’m optimistic about the future. I know may darating na opportunity sa akin, baka sa writing, maybe a business or an appealing job offer. Basta alam ko, hindi ako pababayaan ni God.

So, I’ll just go with the flow, be the happy-go-lucky, idealistic me. Wala naman kasing mangyayari kung makukunsume ako or made-depressed. Pahihirapan ko lang ang sarili ko kapag gano’n. Also, I’ll let people judge me. Judge me all you want, it’s not my business anyway.

Bes, this is me. Me is stubborn. I can be selflish at times and I know too that there are and there’ll be times na ako’y selfless for people. Naging mediator pa ako, ‘di ba?

I have my hopes. I have faith. I love me. I’m good, Bes. Hope you are too. ❤